Oras, isa sa pinaka mapanganib na elemento dito saating daigdig. Madalas sa tuwing labis ang iyong kasiyahan ay tila napaka bilis ng pag pitik ng mga daliri nito. Subalit kapag sa oras ng unos at di kaaya ayang sitwasyon ay tila ayaw ng gumalaw ng mapag larong elementong ito.

This photo is for illustrative purposes only / photo from Google
Kasalukuyan
Sa buhay mga sitwasyon na bunga ng mali at tamang desisyon na ating isinagawa sa nakaraan. Subalit ano man ang kahahantungan ng bawat hakbang ay dapat natin itong supportahan ng pagiging positibo at pag pupursigi. Ating isa isip at isa puso na sa bawat tama at mating disisyon ay laging may kaakibat na kaparusahan, maaring may mawala o mamaring may manatili. Ating pagka ingatan ang bawat oras at sigundo ng ating buhay. Manatiling positibo sa gitna ng negatibong sitwasyon, sapagkat palaging may liwanag na nag aantay sa dulo ng madilim na lagusan.
Nakaraan
Madalas lagi nating tanong saating mga sarili, 'paano kung ganito paano kung ganyan'. Kailangan mong lumikha ng kongkretong disisyon, ilapag ang nakaraan at gawing aral para hiaharap at sa kasalukuyan. Bawat mali at masasakit na salita, bawat baluktot na galaw na resulta ay pagka sira. Maaari mo itong gawing tulay tungo sa liwanag, tagpasin mo ang matataas na talahib tungo sa kasalukuyan at huwag tayong mag pakahon sa walong letrang 'nakaraan'.
Hinaharap
Napaka sarap pag masdan ang tahimik at payak na pamumuhay sa hinaharap kasama ang ating mga mahal sa buhay. Subalit masyado tayong nag papakahon sa konsepto ng nakaraan at nakakalimutan na nating mamuhay sa mapait at matamis na konseptong kasalukuyan. May ilan na labis ang pagka sakim upang masiguro ang kaaya ayang hianaharap, may ilan na labis ang pag hahabol kay hinaharap at tila nakaligtaan ng mamuhay sa kasalukuyan, madalas tayong bulag, bulag sa pag ibig na nasa harap, bulag sa reyalidad na aaring mag payabong sa salat nating kaisipan. Huwag nating madaliing silipin ang hinaharap sapagkat yan ay isang ragalo mula sa may kapal na lumikha. Mamuhay tayo sa kasalukuyan, sapagkat yan yung bukas na ipinanalangin mo kahapon at magiging nakaraan sa darating pang bukas.
ความคิดเห็น